Miyerkules, Setyembre 24, 2014

Tapon

Itim na nagkalat
Sa puting papel
Di kumikinang, di nangingintab,
Kahit anong anggulo
Kahit anong tapat sa sinag na sumisilip sa pawid.
Kaya ipinasyang lukutin,
Hinagis sa kawalan. Tinalikdan.
Namamasa ang palad.
Ikinuyom, ipinunas ang mga daliri
Sa mga guhit ng kapalaran
Sa ilalim ng sinag'y sinipat
Halo ang pawis't tintang madilim
Gulat sa kinitang ginintuang pulbo
Parang usok, pumupormang
Ipo-ipo.

Maya-maya pa'y umuulan na't
Humihiyaw ang mga tawo sa
Pagkabulag.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento