Martes, Setyembre 23, 2014

Regalo ng Gitarista-Bokalista-Soloista sa Edsa

Mga yapak na bumabaon sa malapot na mutang tunaw
Sumisilid patungong ugat ng dyaryong kalat na ang tintang
Mas binubutas ng mabigat na pwetang
Sinasalo ng putim at marupok na
Karsursilyo.
Karsursilyong tastas ang bulsa
Sa talas ng kalawangi't putol-putol
Na kwerdas.
Musikerong asul,
Beinte tres anyos.
Balot ng simpleng sandong dilaw,
Malinis ang kuko't
Walang sapot ang buhok.
Boses'y may gintong halaga
Ngunit piniling ibahagi ng libre
Sa mga pusong uhaw sa pag-asa't saya.
Sandata niya'y musika.
Di siya mapili.
Kahit anong makaaaliw, makaaantig
Sa tengang antigo ng mga biyaherong
Sigeng baybay sa kahabaan
Ng Edsa.

Ito'y regalo nya sa mundo.
Pati sa sariling maagang binawian ng abilidad duminig,
Nabubuhay sa pagramdam ng katal-katal.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento