Miyerkules, Nobyembre 5, 2014

Asintang Sinta (Entry sa Panitikan)

Kapeng buhok,
Nangingintab ang mga hiblang
Sumusungay sa barilyadong nakakuwintas ng tenga ng kalabaw,
Nakapuruntong.
Kita ang mabalahibong binti't maugat na sakong.
Humahagilap sa kulay atsueteng pilandok.
Sa lakas ng kumareng Amiha't konsentrasyon
Di dama ang sadyang pangangalabit
Sa kanyang tenga.
Pangingiliti
Sa kanyang leegan.
Ang pilandok, magiliw.
Naglalaro. Malikot na hinahabol ang makukulay na mariposa.
Maya-maya'y huminto't humigop
Sa sapa.
Dagundong.
Pagkakataon. Pangalawang pagkakataon.
Pagkakataon para sa pawisang barilyadong
Kalabitin ang kurbang dikit sa hintuturo.

Bang!

Kasunod ang hikbi ng nakahilatang pilandok na nilulunod ng namumulang sapa.
Kasabay ang paghabol sa hiningang buhay ng barilyado nalula,
Hawak ang buhok ni Mariang mahigpit ang kapit sa parteng kinakapitan ng kanyang agimat't
Halimaw na panata.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento