Huwebes, Hulyo 11, 2013

Ang Kawal

Naiguhit na kita
Ang kaaya-aya mong mukha
Sa larawan na iyon, kasama mo ang mahal mo
Pero hindi ko siya sinali.
Hindi dahil sa ayaw ko sa kanya
Pero dahil tinatamad na ako
Maganda kasi siya
Baka di ko mabigyan ng hustisya.
So, panget ka? At umaambon ng hustisya sa papel ko?
Hindi.
Ang ballpen ko ay para sa mga kaibigan ko lang
At sa mga gusto kong artista
Hindi ko pa siya kaibigan, eh.
Lalong hindi siya artista.
Pero gusto kong maging magkaibigan kami
Sasabihin ko sa kanya na
Hindi ka dapat binabalewala
HIndi ka dapat sinasaktan
Hindi ka dapat hinahalikan upang ikurba paibaba ang mga labi mo
At palabasin ang mga likido sa mata mo
Oha! Pang telenobela, karakter ng isang nagmamahal na martyr.
Nakakaumay.
Dumako na tayo sa iba. Masyado kang mabait.
Pero mataray din.
Balanse
Mukhang hindi nagpapaapi
Pero mukhang pagdating sa pagibig
nagttatransform ka, inaalis ang katarayan
Sobra magpairal ng pagmamahal
Magastos!
Wika mo nga,
Ganun talaga, todo ako magmahal, todo masaktan,
At todo makalimot.
Pakiramdam ko
may nananalantay ng magic dyan sa puso mo
Para kang kawal
Handang magprotekta, handang umibig
Kahit masasaktan
Kahit may tsansang iwanan siya
Ng kanyang sintang lihim, ang Reyna.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento