Naiguhit na kita
Ang kaaya-aya mong mukha
Sa larawan na iyon, kasama mo ang mahal mo
Pero hindi ko siya sinali.
Hindi dahil sa ayaw ko sa kanya
Pero dahil tinatamad na ako
Maganda kasi siya
Baka di ko mabigyan ng hustisya.
So, panget ka? At umaambon ng hustisya sa papel ko?
Hindi.
Ang ballpen ko ay para sa mga kaibigan ko lang
At sa mga gusto kong artista
Hindi ko pa siya kaibigan, eh.
Lalong hindi siya artista.
Pero gusto kong maging magkaibigan kami
Sasabihin ko sa kanya na
Hindi ka dapat binabalewala
HIndi ka dapat sinasaktan
Hindi ka dapat hinahalikan upang ikurba paibaba ang mga labi mo
At palabasin ang mga likido sa mata mo
Oha! Pang telenobela, karakter ng isang nagmamahal na martyr.
Nakakaumay.
Dumako na tayo sa iba. Masyado kang mabait.
Pero mataray din.
Balanse
Mukhang hindi nagpapaapi
Pero mukhang pagdating sa pagibig
nagttatransform ka, inaalis ang katarayan
Sobra magpairal ng pagmamahal
Magastos!
Wika mo nga,
Ganun talaga, todo ako magmahal, todo masaktan,
At todo makalimot.
Pakiramdam ko
may nananalantay ng magic dyan sa puso mo
Para kang kawal
Handang magprotekta, handang umibig
Kahit masasaktan
Kahit may tsansang iwanan siya
Ng kanyang sintang lihim, ang Reyna.
Huwebes, Hulyo 11, 2013
Malaki na Ako
May iniisip ka
Ayaw mong sabihin kung ano
Nalulungkot ka
Sabi mo hindi ko kayang intindihin iyon
Pero malaki na naman ako
'May mga bagay na sinasarili lang'
Tulad ng ano?
Di kita mahuli. Di mo sinagot.
Naglalasing ka na
Kumakanta na ng Highway to Hell
Parang kanina Some Nights pa yun, eh
Tapos sabi mo may tama na
Sino? Ano?
Nahawa ako ng lungkot mo
Wala kasi akong magawa para sayo
Kaya pinatigil na kita
Tinry kong mapangiti ka
Kaso sabimo nga, nasa 'feeling it' stage ka pa lang
So, di ko babasagin yang kadramahan mo
Nagpasya na akong magpaalam
Natulog
Nagaalala hanggang sa panaginip
Habang nakapikit
Bakit nga kaya?
Siguro kasi nagkwento ka tungkol sa paborito mong panaginip
Kasal niyo ng ngayon mo
At madalas kang nagde-deja vu
Alam kong may pinanghahawakan kang panaginip
Ramdam ko
Di ako makasagot sa tanong mong
What if
Hindi ko kasi alam kung papaano
At takot ako
Takot makasakit tulad ng ginawa niya sayo
Pero may isa pa
Yung panaginip mo
Pano pag muli kang na-deja vu
At sakto pa sa paborito mo?
Ibig sabihin nun,
Naging tayo, pero hindi yun magpakailanman
Alam kong magiging pansamantala lang ang 'tayo'
Paano ang panaginip ko?
Magpaparaya lang ba?
Kung mangyari man iyon, Here's To Us!
Magiging masaya ka. Pangako.
Kahit sa proseso ng namimintanang sakit
Sa proseso ng nakikita kong pagtatapos
At maging pagkatapos nun
Pangako.
Ayaw mong sabihin kung ano
Nalulungkot ka
Sabi mo hindi ko kayang intindihin iyon
Pero malaki na naman ako
'May mga bagay na sinasarili lang'
Tulad ng ano?
Di kita mahuli. Di mo sinagot.
Naglalasing ka na
Kumakanta na ng Highway to Hell
Parang kanina Some Nights pa yun, eh
Tapos sabi mo may tama na
Sino? Ano?
Nahawa ako ng lungkot mo
Wala kasi akong magawa para sayo
Kaya pinatigil na kita
Tinry kong mapangiti ka
Kaso sabimo nga, nasa 'feeling it' stage ka pa lang
So, di ko babasagin yang kadramahan mo
Nagpasya na akong magpaalam
Natulog
Nagaalala hanggang sa panaginip
Habang nakapikit
Bakit nga kaya?
Siguro kasi nagkwento ka tungkol sa paborito mong panaginip
Kasal niyo ng ngayon mo
At madalas kang nagde-deja vu
Alam kong may pinanghahawakan kang panaginip
Ramdam ko
Di ako makasagot sa tanong mong
What if
Hindi ko kasi alam kung papaano
At takot ako
Takot makasakit tulad ng ginawa niya sayo
Pero may isa pa
Yung panaginip mo
Pano pag muli kang na-deja vu
At sakto pa sa paborito mo?
Ibig sabihin nun,
Naging tayo, pero hindi yun magpakailanman
Alam kong magiging pansamantala lang ang 'tayo'
Paano ang panaginip ko?
Magpaparaya lang ba?
Kung mangyari man iyon, Here's To Us!
Magiging masaya ka. Pangako.
Kahit sa proseso ng namimintanang sakit
Sa proseso ng nakikita kong pagtatapos
At maging pagkatapos nun
Pangako.
Photo courtesy: listofimages.com |
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)