Tagpo: Mabatong ilog. Mataas na bundok ang gilid. Pumasyal ang magkababatang Antonio at Andes. Panahon ng Espanol.
Antonio, 19 taon, lalaki, radikal dati, mapangarap, nakapagaral ng kolehiyo sa pangangasiwa ng mga paring guro
Andes, 19 taon, lalaki, radikal hanggang ngayon, pagaaral: sa bahay kasama ang kuya at ama niya
ACT 1
Antonio: Bakit nga ba napakaraming bato rito sa ilog?
Andes: Dati'y tuwang tuwa kang talunin ang mga yan, kahit gaano pa katalas at ka-irregular. Mananalon ka kase. Sa kahit saang aspeto.
Antonio: Ano na naman bang sinasabi mo?
Andes: Masaya ka lang namang nagkukwento ng kung anuano habang hinahampas ng tubig ang mga paa mo. Marahil ay masaya ka lamang na nagkukwento ng mga kalokohan niyo ng mga kaklase mo habang nakatalikod ang inyong guro.
Antonio: Haha. Nababaliw ka na. Anong nasa isip mong totoo, Andes? At isa pa, hindi dapat kinukutsa ang guro kahit pa nakatalikod siya.
Andes: Akalain mong sayo pa yan nagmumula, sayo na kinamumuhian ang mga gurong mahilig manghampas ng puwit at mga palad, mga gurong hindi tumatanggap ng opinyon at kritisismo sa mga itinuturo niyang kasaysayang ibinababa ang aydentidad ng mga estudyante at ng bayang ito, mga gurong matakaw pa sa uod kung kumain ng utak sa pagpapapayag sa mga magulang na magulangan sila sa aspetong pinansyal. Hindi ikaw yan, Antonio, alalahanin mo.
Antonio: Iyon ang natutunan ko sa loob ng anim na buwang pagtatrabaho at pagiintern sa eskwela at kumbento. Nawala na sa isip ko ang paghihiganti at burado na ang original ng planong pagkitil sa litid ng mga mapangabuso.
Andes: Nalason ka na ng buga ng mga banyagang kaluluwa.
Antonio: Isang pagbabago ng pananaw para sa mas madaling pagunlad lamang ang naipahayag ko. Ako ito, Andes.
Andes: Mas madaling pagunlad?
Antonio: Oo, Andes! Mas madali kung mas marami kang maiipon sa loob ng maiksing panahon kesa sa usual na pattern sa mundo ng kahirapan. Nais mo rin ba, Andes? Maari kitang irekome..
Andes: Habang ang marami'y naloloko't nahihirapan?
Antonio: May pitong taon na rin tayong nagiisip para sa iba. Tayo naman.
*tahimik
Andes: Malapit ka ng umalis.
Antonio: Ha! Ang arte mo, to.
Andes: Di lalaon ay magiging bato na lamang din ako sa pakiramdam mo.
Antonio: Ha?
Andes: Tulad ng mga pagtatanong mo kung anong pinagsasabi ko, yan din ang tonong maririnig ko mula sayo sa panahong inaapakan at itinataboy mo na ako. Tulad nitong mga batong binabaybay natin.
Antonio: Hindi na kita naiintindihan. Bakit mo ba nilalaro ang samyo ng mga salita?
Andes: Nagawa ko na ang huli. Sa tonong may pagkakaibigan nga lang.
Antonio: Anong huli? ..teka.. Aaaaaah.
**pagkaharap ni antonio'y tinulak siya ng malakas ni andes sa bingit ng bang in hanggang sa mahulog ito sa mabatong ilog
Andes: Hindi ka naturuang bumasa ng mga pahiwatig. Lalong hindi ka naturuang magpahalaga. Wag kang magalala...Tutuparin ko ang original na plano. Naumpisahan ko na nga, eh.